Wednesday, June 16, 2010

Tulad ng Dati

Pasukan na naman at nakatagpo ko na ang halos lahat ng bago kong estudyante. Tulad ng dati, sinimulan ko ang mga klase ko sa pagpaparamdam sa kanila na bukas akong matuto rin sa kanila. Marami na kasi akong natutunan sa mga estudyante ko, hindi lamang tungkol sa mga tinatalakay natin sa klase kundi maging tungkol sa kung anu-ano pa, kasama na ang pagiging higit na mabuting tao.