Wednesday, January 08, 2014

Bagong Taon

Nitong Disyembre 31, pumunta ako sa inn ng matatalik kong kaibigan para makipagdiwang sa kanila ang bagong taon.  Naroon din ang kaibigan naming plawtista at ang asawa nitong ballerina, pati ang isa pang ballerina na noong nakaraang bagong taon ay nakasama rin namin doon.  Sa pagkataong ito, nagtanghal kami sa humigit-kumulang ay 30 panauhin sa inn, at sa ilang kamag-anak at kaibigan, pagkatapos ng hapunan.  Plawta, sayaw, tula, awit, mula sa pergola sa sa hardin; nakaupo ang aming mga manonood sa mga silya at banig na nakalatag sa dami, sa ilalim ng langit na puno ng bituin.  May manaka-naka nang rebentador at lusis sa ilang lugar sa paligid ng inn.  

Nang magsimula ang malalakas ng rebentador at mararangyang lusis sa paligid namin (mula pa rin sa kung saan-saang lugar; wala kaming mga lusis sa inn), kumuha ako nang kumuha ng retrato, tulad ng marami sa amin.  Hanggang mapatingala ako sa langit.

Nakita kong hindi matalo ng magagarang lusis ang ningning ng mga bituin.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home