Friday, January 10, 2014

Pag-asa

Malapit ko nang matanggap ang bago kong ocarina.  Pasalubong ito ng mga kaibigan kong sina W--- at S-- mula sa C-----.  Sabi ni W---, ang sabi raw ni S-- ay dapat matuto ako kaagad tumugtog para makapuwesto ako sa isang kanto, maglagay ng sumbrero sa bangketa, tumugtog, samantalang magkukuwanri silang hangang-hanga at maglalagay ng malaking halaga sa sumbrero.  At sa susunod na bagong taon daw, dapat tumugtog ako sa inn ng mga kaibigan ko.

Wala akong alam na tugtuging instrumento.  Noong bata pa ako, ibinili kami ni Ate ng melodica nina Inay at Itay.  Natuto akong tumugtog ng napasimpleng himig, isa o dalawa lang.  Iyon na iyon. Si Ate, natuto pang maggitara, at nag-aral sandali ng piano.

Noong nasa kolehiyo ako, inalok ako ng kaibigan kong si B----.  Tuturuan daw niya akong maggitara,  Magaling kasi siya, at magaling ding kumanta.  Nakaisang leksiyon kami, at walang nangyari sa pagtugtog ko.  Si B----, naging napakatanyag na mang-aawit.

Tingnan natin kung anong mangyayari sa bago kong ocarina.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home