Wednesday, January 03, 2007

Bago

Kaninang papalubog na ang araw, naglakad ako mula sa unibersidad tungo sa supermarket na lagi kong binibilhan bago ako lumipat sa aking bagong tahanan anim na buwan na ang nakakaraan. Dumaan ako sa bagong pedestrian overpass sa kauna-unahang pagkakataon. Pagdating ko sa supermarket ay napansin kong kakaunti naman ang pagbabago. Mabilis lamang ako doon--bumili ng dalawang paketeng ubas, nagbayad, at lumabas.

Madilim-dilim na nang maglakad akong pabalik sa unibersidad. Nang paakyat na ako sa overpass ay napansin kong may mga ilaw sa ilang tindahan at kainan sa tabi ng kalsada sa ilalim nito--wala pa ang mga ito nang lumipat ako. Paakyat ko ng hagdan ay naisip ko--kung dito pa ako nakatira, madaling-madali akong makakabili sa mga tindahan at kainang iyon.

Nang makaakyat ako sa overpass ay napansin ko ang mga ilaw nito. At hinanap-hanap ko ang panahong dito pa ako sa lugar na ito nananahan. Bahagya akong nalungkot na lumipat na ako. Pinangarap kong makapaglakad sa overpass na ito pauwi araw-araw.

Pinangarap kong sa lugar na ito muling manahan; pinangarap kahit nang sandali lamang.

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

hello rofel,

happy new year!

minsan nalulungkot din ako pag binabalikan ko ang panahong nakalipas na. lalo na yaong hindi na pwedeng ulitin, o palitan, dahil naka-desisyon na.

sabi nga nila ang desisyon daw ay isang pagkamatay sa sarili.

sige, kitakits na lang sa ating bagong "siyudad". ang ganda ng view ano? hehe. sa susunod na bisita sa (bagong) tahanan mo!

-eric-

1:04 PM  

Post a Comment

<< Home