Apat na Araw
Hiniling naming mahigit-nang-tatlumpu't-limang-taong magkakaibigan na bigyan kami ng recollection ng pari at guro, na ganoong katagal na rin naming kaibigan, sa bayang presidente siya ng isang unibersidad. Kaya nitong Biyernes, lumipad kami paparoon.
Sa resort sa bundok kami tumuloy, nahapunan, nagkasiyahan at natulog. Kinabukasan, pagkatapos maglakad sa paligid at mag-almusal, umupo kami, nagbasa ng salmo, nakinig sa kaibigan naming pari, at nagpahayag ng pasasalamat sa mga biyayang natamo namin. Pagkaraan ng isa't kalahating oras ay nananghalian kami't namasyal sa kabundukan.
Kinahapuna'y nasa lunsod na kami, sa isang magarang hotel. May kamangha-manghang tanawin ng lunsod at dagat ang kuwartong tinuluyan ko, at libre ang merienda, cocktails, at almusal. Nang gabing iyo'y naghapunan kami sa tabi ng dagat, at nagkantahan sa bahay ng isang kaibigan. Kinabukasa'y naglakad at tumakbo ako sa mga kalsada sa paligid ng hotel.
Pagkaraa'y nagbangka kami tungo sa dalampasigang puti ang buhangin, at naglangoy nagpaaraw sa malinaw at bughaw na dagat. Tinuruan pa naming lumutang nang nakahiga ang labindalawang-taong anak ng isang kaibigan--laking tuwa ko nang nanatili siyang nakalutang pagkaalis ko ng daliri ko sa kanyang likod. Sa hapunan noong gabing iyon at sa almusal kinabukasan, nakatagpo ko't nakakuwentuhan ang ilang kaibigang matagal ko ring hindi nakita.
Sa eroplano pauwi--mag-isa na lamang ako dahil nauna na ang ilan at nagpaiwan pa ang iba--naisip ko: ang saya, ang sarap, pero ang bilis natapos ng lahat. Tanong ko: saan napunta ang apat na araw na dagling lumipas? At mabilis na dumating ang sagot: sa pananariwa ng pagkakaibigan at pagmamahalan; sa patuloy na pananalig na bawat sandali'y may dulot na biyaya.

2 Comments:
sir, hindi ko kayo nakamayan nung LS awards for the arts. umaga noong araw na iyon tinanong ako ni mam sol kung kailan ako tumanggap ng ganoong award. sabi ko, five years ago. sabi niya, ang tanda mo na pala.
Umalis ako nang maaga kasi may taichi pa kami.
Oo nga, matanda ka na :-)
Post a Comment
<< Home