Thursday, March 11, 2010

Malapit Na

Malapit na namang magbakasyon. Nais ko sanang maglagalag sa iba't ibang bahagi ng bansa, ngunit magastos ito. Malamang ay lumagi na lamang ako sa amin, sa piling ng aking mga magulang, kapatid, pamangkin at apo. Ngunit sisikapin kong makalayo kahit ilang araw, ilang linggo pa nga sana, nang makapag-isa, makakita ng bago, makapag-isip, makapagsulat; baka sakaling maligaw, makasumpong ng kung ano, ng kung ano man.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home