Monday, March 22, 2010

Klase

Bago magtapos ang semestre, pinanood namin ng klase ko sa Panitikang Pilipino ang pelikulang "Gulong". Natuwa ako na nagustuhan nila, kasi gustung-gusto ko rin ito.

Nang itanong ko sa kanila kung ano ang nakita nila sa pelikula na nakita na rin namin sa mga akdang tinalakay namin sa buong semestre, sunud-sunod ang taas nila ng kamay. At ang gaganda ng sagot nila. Marami nga ang ni hindi ko naisip. Ang sarap ng usapan namin; bitin nga nang tumunog ang bell. Humiling sila ng class picture, at nagparetrato nga kami. Ang saya!

Nang magpaalam sila, sabi ko'y magkikita pa naman kami sa huling pagsusulit. Pero, sabi nga ng isa, hindi na iyon tulad ng dati.

Ganoon, e.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home