Friday, July 11, 2008

Langoy

Halos malunod na ako sa dami ng trabaho at ng kung anu-ano pang pinagkaabalahan.

Ngayo'y pakawag-kawag pa rin ako, pero nasasarapan na rin. Marahil dahil ilang araw na lamang at isisilang na ang kauna-unahang anak ng pamangking-buo ko. At ilang araw makaraan iyon, maglalakbay ako't makakakita ng bagong lugar, magtuturo ng mga bagong estudyante mula sa kung saan-saan, at nanamnam ng bawat bagong sandali kahit dadalawang linggo lamang.

Pagbalik ko'y narito pa rin ang trabaho't kung anu-ano pang pagkakaabalahan. Ngunit inaasahan kong uuwi akong may bagong sigla--nang hindi na kumawag-kawag lamang, nang hindi na masarapan lamang; nang mapanatag din, at makalangoy nang mas mabini, mas banayad, mas maganda.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home