Friday, September 08, 2006

Lagalag

Noong 1986, papunta ako kung saan at dahil gabing-gabi na't hirap na ako, nagkamali ako ng sakay ng tren. Nakarating ako sa Lourdes nang wala pa sa plano.

Paglabas ko ng estasyon, sinundan ko ang mga karatulang nagtuturo sa grotto. Kaya napadaan ako sa napakaraming tindahan ng rosaryo, estatuwa, walang lamang boteng plastik na korteng Birhen ng Lourdes. Pumasok pa nga ako sa isang maliit na museo--doon daw lumaki si Bernadette.

Nang palapit na ako sa grotto, nakita ko ang pagkarami-raming tao. May mga pangkat pang may dalang malalaking bandera. At nakakita ako ng karatula sa Pranses, na naunawaan ko naman ang sinasabi. At nalaman kong kaarawan ni Maria nang araw na iyon.

Kaya pala.

2 Comments:

Blogger Noelle Q. de Jesus said...

Hindi ba't sinabi ko. Mabuti sinimulan mo na ito. Sadyang mahahasa ang Pilipino ko, pero hindi lang ito ang ikinalulugod ko... salamat...

5:38 PM  
Blogger Noelle Q. de Jesus said...

Hindi ba't sinabi ko! Buti sinimulan mo na ito. Siguradong mahahasa ang Pilipino ko, pero hindi lang ito ang ikinalulugod ko. ...Salamat...

5:41 PM  

Post a Comment

<< Home